Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain | Sipi 10
Kayo ay nakaharap na sa Diyos, at nakaharap sa salita ng Diyos. Ang kaalaman ninyo tungkol sa Diyos ay higit sa kaalaman ni Job. Bakit Ko sinasabi ito? Bakit ganito ang pananalita Ko? Gusto Kong ipaliwanag ang isang katotohanan sa inyo, ngunit bago Ko gawin, gusto Ko munang magtanong sa inyo: Napakaliit ang alam ni Job tungkol sa Diyos, ngunit kaya niyang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Bakit kaya nabibigo ngayon ang mga tao na gawin ito? (Malalim na katiwalian.) Malalim na katiwalian—iyan ang pinalilitaw ng tanong,
ngunit hindi ganito ang pananaw Ko dito. Madalas na kinukuha ninyo ang mga doktrina at mga liham na karaniwan ninyong nasasambit, tulad ng “malalim na katiwalian,” “pagrerebelde laban sa Diyos,” “pagtataksil sa Diyos,” “pagsuway,” “hindi paggusto sa katotohanan,” at ginagamit ninyo ang mga pariralang ito upang ipaliwanag ang diwa ng bawat katanungan. May depekto itong paraan ng pagsasagawa. Ang paggamit sa mga sagot na ito upang ipaliwanag ang mga tanong sa magkakaibang kalikasan ay tiyak na magdudulot ng pahiwatig ng paglapastangan sa katotohanan at sa Diyos. Ayaw kong marinig itong uri ng sagot. Pag-isipan mo ito! Wala sa inyo ang nakaisip tungkol sa bagay na ito, ngunit nakikita Ko at nararamdaman Ko ito sa bawat araw. Kaya, ginagawa ninyo ito, at nakikita Ko. Kapag ginagawa ninyo ito, hindi ninyo nararamdaman ang diwa ng bagay na ito. Ngunit kapag nakita Ko ito, nakikita at nararamdaman Ko ang kanyang diwa. Kaya ano ang diwa na ito? Bakit ang mga tao ngayon ay hindi magawang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan? Ang mga sagot ninyo ay napakalayo upang ipaliwanag ang diwa ng tanong na ito, at hindi nila kayang lutasin ang diwa ng tanong na ito. Ito ay dahil may isang pinagmulan dito na hindi ninyo alam. Ano ang pinagmulan na ito? Alam Kong gusto ninyong marinig ang tungkol dito, kaya sasabihin Ko sa inyo ang tungkol sa pinagmulan ng tanong na ito.
Sa pinakasimula ng gawa ng Diyos, paano ang pagturing Niya sa tao? Iniligtas ng Diyos ang tao; Nilingap Niya ang tao bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya, bilang sentro ng Kanyang gawa, ang gusto Niyang lupigin, upang iligtas, at ang nais Niyang gawing perpekto. Ito ang saloobin ng Diyos sa tao sa pasimula ng Kanyang gawain. Ngunit ano ang saloobin ng tao sa Diyos sa panahon na iyon? Ang Diyos ay kakaiba sa tao, at itinuturing ng tao ang Diyos bilang isang estranghero. Maaaring sabihin na hindi tama ang saloobin ng tao sa Diyos, at hindi malinaw sa tao kung paano niya pakikitunguhan ang Diyos. Kaya itinuring niya ang Diyos sa anumang nagustuhan niyang pagtrato, at ginawa niya ang anumang gusto niya. May pananaw ba ang tao tungkol sa Diyos? Sa simula, walang kahit anong pananaw sa Diyos ang tao. Ang tinaguriang pananaw ng tao ay pawang mga pagkaintindi at mga imahinasyon tungkol sa Diyos. Tinanggap ang bagay na umayon sa mga pagkaintindi ng mga tao; ang hindi umayon ay sinunod nang pakunwari, ngunit nilabanan at sinagupa ng mga tao sa kanilang mga puso. Ito ang relasyon ng tao at ng Diyos sa simula: Itinuring ng Diyos ang tao bilang isang miyembro ng pamilya, ngunit itinuring ng tao ang Diyos bilang isang estranghero. Ngunit pagkatapos ng ilang panahon na paggawa ng Diyos, naunawaan ng tao ang sinusubukang makamit ng Diyos. Naunawaan ng mga tao na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at nalaman nila na maaari silang humingi sa Diyos. Ano na ang pagtrato ng tao sa Diyos sa panahong ito? Itinuturing ng tao ang Diyos bilang isang daluyan ng buhay, umaasa siyang makakuha ng biyaya, makakuha ng mga pagpapala, makakuha ng mga pangako. At ano ang pagtuturing ng Diyos sa tao sa sandaling ito? Itinuturing ng Diyos ang tao bilang layon ng Kanyang paglupig. Nais ng Diyos na gumamit ng mga salita upang hatulan ang tao, upang masiyasat ang tao, upang mabigyan ang tao ng mga pagsubok. Ngunit para sa tao sa puntong ito, ang Diyos ay isang bagay na maaari niyang gamitin upang makamit ang sarili niyang mga layunin. Nakita ng mga tao na maaari silang lupigin at iligtas ng katotohanan na ibinibigay ng Diyos sa kanila, at nagkaroon sila ng isang pagkakataon upang makamit ang mga bagay na ninanais nila mula sa Diyos, ang hantungan na nais nila. Dahil dito, nabuo ang isang maliit na katapatan sa kanilang mga puso, at handa silang sundin ang Diyos na ito. Pagkalipas ng ilang panahon, nagkaroon ang mga tao ng ilang mababaw at dogmatikong kaalaman tungkol sa Diyos. Maaaring sabihin na nagiging mas “pamilyar” sila sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos, ng Kanyang pangangaral, ang katotohanan na Kanyang ibinigay, at ang Kanyang gawa—ang mga tao ay higit pang naging “pamilyar.” Kaya, nagkamali ang mga tao sa pag-aakala nilang hindi na kakaiba ang Diyos, at naglalakad na sila sa landas ng pagiging katanggap-tanggap sa Diyos. Hanggang ngayon, nakikinig ang mga tao sa napakaraming mga sermon tungkol sa katotohanan, at nakaranas sila ng maraming mga gawain ng Diyos. Ngunit dahil sa mga panghihimasok at mga paghahadlang ng iba’t ibang mga kadahilanan at mga pangyayari, hindi naisasagawa ng karamihan sa mga tao ang katotohanan, at hindi nila nabibigyan-kasiyahan ang Diyos. Palala nang palala ang pagiging pabaya ng mga tao, palala nang palala ang kakulangan nila ng pananalig. Lumalala ang pakiramdam nilang walang kasiguruhan ang kanilang kalalabasan. Wala silang lakas ng loob na mag-isip ng magarang mga ideya, at wala silang hangad na kamtin ang anumang mga pag-unlad; nag-aatubili lamang silang sumusunod, pasulong nang paisa-isang hakbang. Patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng tao, ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Ang tanging nais ng Diyos ay ang ibigay ang mga katotohanang ito sa tao, at puspusin sila ng Kanyang paraan, at pagkatapos ay maglaan ng iba’t ibang mga pangyayari upang subukan ang tao sa iba’t ibang paraan. Ang layunin Niya ay ang gamitin ang mga salitang ito, ang mga katotohanang ito, at ang Kanyang gawain, upang magdulot ng isang kalalabasan kung saan ang tao ay maaaring matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Karamihan sa mga taong nakita Ko ay itinuturing lang ang salita ng Diyos bilang mga doktrina, itinuturing ito bilang mga liham, bilang mga regulasyon na kailangang sundin. Kapag nahaharap sila sa mga bagay at nagsasalita, o nahaharap sa mga pagsubok, hindi nila iginagalang ang daan ng Diyos bilang daan na dapat sundan. Lalo itong totoo kapag nahaharap ang mga tao sa malalaking pagsubok; wala pa Akong nakikitang sinuman na lumakad sa direksyon ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dahil dito, ang saloobin ng Diyos sa tao ay puno ng matinding pagkamuhi at pag-ayaw. Pagkatapos nang paulit-ulit na pagbibigay ng Diyos ng mga pagsubok sa mga tao, kahit na daan-daang beses, wala pa rin silang anumang malinaw na saloobin upang ipakita ang kanilang pagpupunyagi—gusto kong matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan! Dahil wala sa mga tao ang pagpupunyaging ito, at hindi nila ipinakikita ito, hindi na katulad ng nakaraan ang kasalukuyang saloobin ng Diyos sa kanila, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang awa, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang pagtitimpi, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang pagtitimpi at pagtitiis. Sa halip, lubos ang pagkabigo Niya sa tao. Sino ang sanhi ng pagkabigong ito? Ang uri ng saloobin ng Diyos sa tao, kanino kaya nakasalalay ito? Nakasalalay ito sa bawat tao na sumusunod sa Diyos. Sa maraming taon nang Kanyang paggawa, marami ang hinihingi ng Diyos sa mga tao, at maraming mga pangyayari ang itinakda Niya para sa tao. Ngunit gaano man kahusay gumanap ang tao, at anuman ang saloobin ng tao sa Diyos, hindi maisagawa ng tao nang malinaw na alinsunod sa layunin na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kaya, ibubuod Ko ito sa isang kasabihan, at gagamitin Ko ang kasabihan na ito para ipaliwanag ang lahat ng mga tinalakay natin tungkol sa kung bakit hindi nakalalakad ang mga tao sa landas ng Diyos—matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Ano ang kasabihan na ito? Ang kasabihang ito ay: Itinuturing ng Diyos ang tao bilang layon ng Kanyang kaligtasan, ang layon ng Kanyang gawain; itinuturing ng tao ang Diyos bilang kanyang kaaway, bilang kabaliktaran niya. Malinaw na ba ang bagay na ito sa iyo ngayon? Ano ang saloobin ng tao; ano ang saloobin ng Diyos; ano ang relasyon sa pagitan ng tao at ng Diyos—ang lahat ng ito ay napakalinaw. Gaano man karami ang mga sermon na inyong pinakinggan, ang mga bagay na inyong binuod para sa inyong mga sarili—tulad ng pagiging tapat sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paghahanap ng paraan para maging katanggap-tanggap sa Diyos, pagnanais na gugulin ang habambuhay para sa Diyos, pamumuhay para sa Diyos—para sa Akin ang mga bagay na ito ay hindi may-kamalayang paglakad sa landas ng Diyos, na pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Sa halip, ang mga ito ay landas kung saan makakamit ninyo ang tiyak na mga layunin. Upang makamit ang mga layuning ito, may pag-aatubili kayong sumunod sa ilang mga regulasyon. At tiyak na ang mga regulasyon na ito ang nagdudulot sa mga tao upang mas lalong lumayo sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at minsan pang naglalagay sa Diyos bilang kasalungat ng tao.
Medyo mabigat ang katanungan na tinatalakay natin ngayon, ngunit kahit ano pa man, umaasa pa rin Ako na kapag dadaan na kayo sa mga karanasan na darating, at sa mga panahong darating, maaari ninyong gawin ang bagay na kasasabi Ko lang. Huwag ninyong ipagwalang-bahala ang Diyos at huwag niyo Siyang ituring na parang walang halaga, pakiramdam ay umiiral Siya sa mga panahon na kailangan Siya, ngunit pakiramdam ay hindi umiiral kapag walang kailangan sa Kanya. Kapag wala kang kamalay-malay na ganito ang uri ng pag-unawa mo, ginalit mo na ang Diyos. Marahil, may ilang mga taong nagsasabi: “Hindi ko itinuturing ang Diyos na parang walang halaga, palagi akong nananalangin sa Diyos, palagi ko Siyang binibigyang-kasiyahan, at ang lahat ng mga ginagawa ko ay nasa saklaw at mga pamantayan ng mga prinsipyo na hinihingi ng Diyos. Tiyak akong hindi ako lumalakad ayon sa sarili kong mga ideya.” Oo, ang paraan ng paggawa mo sa mga bagay-bagay ay tama. Ngunit ano sa tingin mo kapag naharap ka sa isang bagay? Paano ang iyong pagsasagawa kapag nahaharap ka sa isang bagay? Sa pakiramdam ng ilang mga tao umiiral ang Diyos kapag nananalangin at umaapila sila sa Kanya. Ngunit kapag nahaharap sa isang bagay, bumubuo sila ng sariling mga ideya at nais nilang sumunod sa mga ito. Ito ay pagturing sa Diyos na parang walang halaga. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay pagturing sa Diyos bilang di-umiiral. Sa tingin ng mga tao dapat iiral ang Diyos kapag kailangan nila Siya, at huwag umiral kapag hindi nila Siya kailangan. Akala ng mga tao’y sapat na ang pagsasagawa ng sarili nilang mga ideya. Naniniwala silang maaari nilang gawin ang mga bagay sa kahit anong paraan na gusto nila. Naniniwala silang hindi nila kailangan hanapin ang landas ng Diyos. Kasalukuyang nasa ganitong kalagayan ang mga tao, sa uri ng kalagayan na ito—hindi ba sila nasa bingit ng panganib? Sabi ng ilang mga tao: “Hindi alintana kung ako man ay nasa bingit ng panganib o hindi, sumampalataya ako sa loob ng maraming taon, at naniniwala akong hindi ako iiwan ng Diyos dahil hindi Niya kayang iwanan ako.” Sinasabi ng ilang mga tao: “Mula sa panahon na nasa sinapupunan pa lang ako ng aking ina, naniniwala na ako sa Panginoon, mula noon hanggang ngayon, mga apatnapu o limampung taon sa kabuuan. Kung sa tuntunin ng panahon, ako na ang pinakakwalipikadong ililigtas ng Diyos; Ako ang pinakakwalipikadong maligtas. Sa loob ng panahong apat o limang dekada, inabandona ko ang aking pamilya at ang aking trabaho. Tinalikdan ko ang lahat na mayroon ako, tulad ng pera, katayuan, kasiyahan at oras para sa pamilya; hindi ako kumain ng maraming masasarap na pagkain; hindi ko tinangkilik ang maraming nakaaaliw na mga bagay; hindi ko pinasyalan ang maraming mga kagiliw-giliw na mga lugar; naranasan ko pa ang paghihirap na hindi kayang tiisin ng mga ordinaryong tao. Kung hindi ako ililigtas ng Diyos sa kabila ng lahat ng mga ito, ibig sabihin ay tinatrato ako nang hindi makatarungan at hindi ako maniniwala sa ganitong uri ng Diyos.” Marami bang mga tao ang may ganitong uri ng pananaw? (Napakarami nila.) Tutulungan Ko kayo ngayon na maunawaan ang isang katotohanan: Binabaril ng bawat taong may ganitong uri ng pananaw ang sarili nilang mga paa. Dahil ginagamit nila ang sarili nilang mga imahinasyon upang takpan ang kanilang mga mata. Ito mismong kanilang mga imahinasyon, at ang sarili nilang mga konklusyon ang pumapalit sa pamantayan sa kung ano ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, ang pumipigil sa kanila upang tanggapin ang tunay na mga layunin ng Diyos, na ginagawa nila upang hindi nila maramdaman ang tunay na pag-iral ng Diyos, at dahilan para mawala nila ang pagkakataong gawing perpekto ng Diyos at mawalan ng lugar o bahagi sa pangako ng Diyos.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
________________________________
Paano natin makakamit ang tunay na panalangin ng pagkumpisal at pagsisisi upang maaprubahan ng Diyos at makapasok sa makalangit na kaharian?
Mangyaring i-click at basahin: Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?