Ang Kidlat ng Silanganan -Magsamang muli sa Panginoon

Kidlat ng Silanganan — Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit

Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pagsisisi ng Isang Opisyal"

Ang pangunahing tauhan sa Ang Pagsisisi ng Isang Opisyal ay anak ng isang simpleng magsasaka lang noon. Matapos sumali sa hukbo, mabilis siyang nakiayon sa mga ‘di-nasusulat na batas sa kanyang pangkat sa pagsisikap na magkamit ng katayuan, papuri at pagtaas ng ranggo, sumisipsip at nambobola sa kanyang mga nakatataas, binibilhan sila ng pagkain at mga regalo. Itinaas ang ranggo niya sa pagiging kumander ng batalyon at sinimulan niya ang pagtahak sa landas ng katiwalian. Nagbagong-buhay siya matapos manampalataya sa Diyos at iniwan ang hukbo, pero natuklasan niyang nakagapos pa rin siya sa mga pilosopiya at batas ni Satanas. Para maging pinuno ng iglesia, muli siyang gumamit ng mga palihim na paraan, ngunit nabunyag din siya at pinakitunguhan ng mga kapatid. Naiwan siyang balisa at miserable dahil sa pagkabigong makuha ang posisyon. Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos,unti-unti niyang naunawaan ang diwa at mga kahihinatnan ng paghahangad ng katayuan, at sinimulan niyang hanapin ang katotohanan at tahakin ang tamang landas sa buhay.
___________________________________________________________
Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.