Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?
Mga kapatid:
Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?
Ang totoo, mayroong ilang mga dahilan kung bakit tila hindi nakikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Ibabahagi ko sa lahat ang aking sariling pagkaunawa ukol dito.
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at sa katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang gayon na maging mananamba sa kaniya” (Juan 4:23). Ipinakita sa atin ng mga salita ng Diyos kung paano tayo dapat manalangin upang sambahin ang Diyos alinsunod sa Kanyang mga layunin. Ang lubos na pinagtutuunan ng pansin ng Diyos ay ang kung mayroon tayong tapat na puso kapag tayo ay nasa harap Niya. Hangga’t mayroon tayong pusong gumagalang sa Diyos at mayroong isang puso na tapat kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, ituturing ng Diyos na katanggap-tanggap ang ating mga panalangin. Gayunpaman, kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, madalas nating hindi nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos at hindi ginagamit ang isang tunay na puso upang manalangin sa Diyos. Ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit iniisip ng ating puso ang tungkol sa ating pamilya o sa trabaho at puno ng balisang mga saloobin. Minsan, ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit ang ating mga puso ay hindi gumagalaw. Wala tayong isang tapat na pag-uugali, at basta na lamang tayo nagpapatianod at pabalikbalik sa dati, basta na lamang ito ginagawa. Madalas pa tayong nagsasabi ng ilang mga salitang marangal, marangya at hungkag, mga salita na maganda lamang pakinggan, ilang mga salitang pinalabnaw upang dayain ang Diyos. Halimbawa, mahal natin ang ating mga magulang nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon o mahal natin ang ating karera nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon, gayunman kapag tayo ay nananalangin, sinasabi natin, “O Panginoon, iniibig kita! Nakahanda akong talikuran ang lahat at gumugol para sa iyo nang buong puso!” Kapag nakasasagupa ang ating mga pamilya ng hindi masayang mga pangyayari, ang ating mga puso ay nagiging negatibo at nagrereklamo tayo sa Panginoon. Gayunman, kapag tayo ay nananalangin, nagpapasalamat tayo sa Panginoon at nagsasabi ng mga salitang papuri sa Panginoon…. Kaya naman, sa mga pananalangin, kung ang isang tao ay hindi tapat at sumasabay lamang sa agos, ginagamit ang malaki at walang lamang mga salita, mga huwad na salita o kung nagpapanggap ang isang tao sa harap ng Diyos at sinasabi lamang ang mga salita na magandang pakinggan, dinadaya niya ang Diyos. Hindi makikinig ang Diyos sa mga panalangin na hindi tapat.
Ikalawa, nananalangin ba tayo sa Diyos na may pagkamaykatuwiran?Kadalasan, kapag nananalangin tayo sa Diyos, basta na lang tayo humihiling ng mga bagay sa Diyos o mayroong tayo ng lahat ng mga uri ng maluluhong kahilingan para sa Diyos. Halimbawa: kung wala tayong trabaho, hinihiling natin sa Diyos na maglaan sa atin ng trabaho. Kung wala tayong anak, hinihiling natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng anak. Kung may karamdaman tayo, hinihiling natin sa Diyos na lunasan ang ating karamdaman. Kung ang ating mga pamilya ay nagdadanas ng mga kahirapan, hinihiling natin sa Diyos na tulungan tayo. Ang mga negosyante ay nananalangin sa Diyos at hinihiling sa kanya na pagpalain sila upang kumita sila ng napakaraming salapi. Hinihiling ng mga mag-aaral sa Diyos na pagpalain sila ng talino at karunungan. Hinihiling ng matatanda sa Diyos na ingatan sila mula sa karamdaman at mga kalamidad upang magugol nila ang kanilang natitirang mga taon nang payapa. Sa buhay, anumang mga kahirapan at mga pagsubok ang ating masagupa, hindi natin kailanman nagagawang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Palagi tayong umaasa na ililigtas tayo ng Diyos sa ating mga bagabag upang huwag na tayong magdusa. Palagi nating hinihiling sa Diyos na ingatan tayo upang tayo ay maging masaya at payapa. Ang ganitong uri ng panalangin ay hindi isang panalangin sa Diyos mula sa isa sa mga nilalang ng Diyos. Sa halip, kinasasangkutan nito ang paghiling sa Diyos para sa mga bagay at paghiling sa Kanya na gumawa ng mga bagay alinsunod sa ating sariling mga saloobin. Kapag ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, umaasa sila na mapalugod ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kahilingan at pagnanais. Ito ay pangunahin ng pagpasok sa isang pakikipagkalakalan sa Diyos at ang ganito ay wala ni kapirasong konsensya o pagkamaykatwiran. Ang ganitong uri ng mga tao ay walang tunay na pananampalataya at pag-ibig para sa Diyos ni tunay nilang sinsunod o iginagalang ang Diyos. Ginagamit nila sa halip ang Diyos upang matamo ang kanilang mga layunin. Katulad ito ng sinabi ng Diyos, “Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin” (Mateo 15:8). Kung gayon, ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga panalangin na ginagawa ng mga tao na walang wastong mga layunin.
Ikatlo, taglay ba ng iglesia natin ang gawain ng Banal na Espiritu?Muling balikan ang paunang yugto ng Kapanahunan ng Kautusan nang nilalaman ng templo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nagkakasala ang mga tao, tinatanggap nila ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Kapag nilabag ng mga pari na naglilingkod sa Diyos ang kautusan, isang apoy ang bumababa mula sa langit at susunugin sila hanggang sa mamatay. Takut na takot ang mga tao at mayroon silang mga puso na gumagalang sa Diyos. Gayunpaman, sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan nang si Jesus ay nagpakita at gumawa, hindi napanatili ng mga Hudyo ang kautusan, ginamit ang templo bilang isang lugar ng palitan ng salapi at bentahan ng mga baka. Ang templo ay ginawa nilang isang lungga ng mga magnanakaw. Hindi na nito nilalaman ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Dahil iniwan na ng Banal na Espiritu ang templo upang ipagsanggalang ang gawain ni Jesus, ang mga taong namalagi sa templo na tumangging tanggapin ang pagliligtas ni Jesus ay inalis ng gawain ng Diyos, nahulog sa kadiliman. Bagamat nanalangin sila sa pangalan ni Jehovah, hindi nakinig ang Diyos. Lalo pang, hindi nila natamo ang gawain ng Banal na Espiritu.
Suriin natin ang ating iglesia sa kasalukuyan. Ang mga sermon ng mga pastor at ng matatanda ay mababaw. Walang bagong liwanag. Hindi tinatanggap ng mga kapatid ang panustos sa buhay, ang kanilang mga espiritu ay lalong naging lanta at madilim at hindi nadarama ang presensya ng Banal na Espiritu. Sisimulan pa nilang magnasa para sa laman at sa mga kasiyahan sa buhay gayundin ang maghangad ng katayuan at kapangyarihan. Ang mga pagtatalo ay babangon sa pagitan ng kapwa manggagawa. Madalas silang mapagtatagumpayan ng kanilang mga pagsalangsang at hindi nila madadama na mayroon silang utang na loob sa Diyos. Hindi sila sumusunod sa mga salita ng Panginoon, ni pinamamalagi nila ang Kanyang mga utos. Ganap nilang nilabag ang kalooban ng Diyos, naging mga tao na tumututol sa Diyos …. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng iglesiang ito at ng templo na umiral sa dakong huli ng Kapanahunan ng Kautusan? Ganap nitong tinutupad ang hula sa Biblia, “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na: at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa ibang bayan upang magsiinom ng tubig, ngunit hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8). Ang totoo, iniwan ng Diyos ang iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya. Maraming mga kapatid ang malinaw na nakadadama na hindi na taglay ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at ikinubli na ng Diyos ang Kanyang mukha sa atin. Kaya paanong naging posible na ang ating mga espiritu ay hindi pa nalanta? Paano makikinig ang Diyos sa ating mga panalangin?
Ang tatlong mga pangyayari na binaggit sa itaas ay ang pangunahing mga dahilan kung bakit hindi nakikinig ang Panginoon sa ating mga panalangin. Ang tangi nating magagawa ay ang lumapit sa harap ng Panginoon, hangarin ang Kanyang mga layunin at bulayin ang mga usaping ito. Dapat din nating hangarin kung paano manalangin sa Panginoon upang Siya ay makinig. Ito ay isang katotohanan na dapat nating pasukin kaagad. Ngayon, ibabahagi ko sa lahat ang tatlong mga pamamaraan ng pagpapatupad upang malaman ninyo kung paano manalangin alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Hangga’t naisasakatuparan natin ang mga ito at naisasagawa araw-araw gamit ang ating puso, naniniwala ako na ang Panginoon ay makikinig sa ating mga panalangin.
Una, dapat tayong manalangin sa espiritu, manalangin nang taimtim at magsabi ng tunay na mga bagay na galing sa ating mga puso.Nalalaman nating lahat na ang Diyos ay tapat. Sa Diyos, walang pagtataksil, walang pagkukunwari at walang mga kasinungalingan. Ang Diyos ay tapat sa bawat isa sa atin. Umaasa rin ang Diyos na taimtim at tapat tayong mananalangin sa Kanya. Kagaya lamang ito ng sinabi Jesus: “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama” (Mateo 5:37). Kung gayon, Kapag tayo ay nananalangin, dapat tayong magsabi ng totoo sa Diyos. Kung tayo ay mahina, dapat nating sabihin na tayo ay mahina. Anumang mga saloobin, mga ideya, kapighatian, mga kahirapan, o mga bagay na ating ginawa na hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos, dapat nating buksang ganap ang ating mga puso at sabihin sa Diyos ang tungkol sa mga ito. Mayroong ilang mga salita at ilang mga bagay na nakahihiyang aminin sa ibang tao. Gayunpaman, hindi natin maitatago ang mga bagay na ito sa Diyos. Dapat nating buksan ang ating mga puso sa Diyos at sabihin sa Diyos nang tapat ang tungkol sa mga ito. Kapag nakikita ng Diyos na ang ating puso ay nakabukas nang husto sa Kanya at na wala tayong ikinukubling anumang bagay sa kanya at bukod diyan, nagsasabi tayo ng mga bagay na galing mismo sa ating mga puso at na tayo ay lubos nagsasalita nang tapat sa ating Diyos, gagabayan tayo ng Diyos na maunawaan ang kanyang mga layunin sa lahat ng aspeto ng katotohanan. Magbibigay ito sa atin ng isang landas na tatahakin.
Bukod diyan, kapag tayo ay nananalangin, dapat nating payapain ang ating mga sarili sa harap ng Diyos. Dapat tayong manalangin sa Diyos gamit ang pusong tiwasay. Hindi tayo dapat mag-alinlangan o magkaroon ng mga salitang walang puso. Kapag nakikipag-usap tayo sa ating mga magulang, nagagawa nating igalang sila. Ang ating asal tungo sa kanila ay tapat. Hindi ba dahil sa sila ay nakakatandaat nagpalaki sa atin? Nilalang tayo ng Diyos, ipinagkaloob ang buhay sa atin, inilaan sa atin ang lahat ng ating kailangan upang mabuhay at ipinagkaloob Niya ang katotohanan sa atin. Hindi ba dapat lalong mas mahalaga kung gayon na manalangin tayo sa Diyos gamit ang isang pusong gumagalang? Maging anuman ang ating idinadalangin sa Diyos, dapat magkaroon ng isang pusong nakatalaga at hangarin ang mga layunin ng Diyos at sabihin sa Kanya nang tapatan ang tungkol sa ating sariling mga saloobin, mga kahirapan at dapat tayong matiyagang maghintay para sa oras ng Diyos. Sa paraan lamang na ito natin matatamo ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at mauunawaan ang Kanyang mga layunin. Sa gayon ang ating mga kahirapan ay malulutas sa lalong madaling panahon.
Ikalawa, dapat tayong tumayo sa lugar ng isang nilalang at huwag magkaroon ng mga kahilingan para sa Diyos; dapat tayong manalangin gamit ang isang puso na nagpapasakop sa Diyos.Kapag tayo ay nananalangin, dapat na maging malinaw sa atin na tayo ay mga nilalang at ang Diyos ay ang ating Maylalang. Hawak ng Diyos ang lahat ng mga bagay at mga pangyayari sa Kanyang mga kamay. Ang lahat sa atin ay kontrolado ng Diyos. Anuman ang ating masagupa sa araw-araw, maging ito man ay isang malaking bagay o isang maliit na bagay, ang lahat ng ito ay dahil sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, dapat tayong manindigan sa ating kalagayan bilang mga nilalang, at hangarin ang kalooban ng Diyos gamit ang isang nakatalagang puso at mapagpasakop na pag-uugali sa harap ng Diyos. Hindi tayo dapat magkaroon ng anumang mga kahilingan para sa Diyos. Halimbawa, kapag nakasasagupa tayo ng mga kahirapan at hindi natin alam kung ano ang gagawin, nananalangin tayo kagaya nito: “O Diyos! Hindi ko nauunawaan ang katotohanan tungkol sa bagay na ito. Hindi ko alam kung paano ko dapat gawin ang mga bagay alinsunod sa Iyong mga layunin. Gayunpaman, nakahanda akong maghangad sa Iyong mga salita at gagawin ang mga bagay alinsunod sa Iyong mga kahilingan at upang mapalugod ang Iyong mga layunin. Pakiusap liwanagan at gabayan ako. Amen!” Kapag mayroong lugar ang Diyos sa ating mga puso at makatatayo tayo sa lugar ng isang nilalang at nananalangin, nagpapatirapa, sumasamba sa ating Maylalang, at kapag nasusunod natin ang Kanyang gawain at isinasakatuparan ang Kanyang mga salita, saka lamang tayo makapagtatayo ng isang normal na kaugnayan sa Diyos at matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Alam nating lahat na si Job ay isang taong takot sa Diyos at nilayuan ang kasamaan. Nang mawala niya ang lahat ng kanyang mga alagang hayop, mga anak, napuno ng mga sugat mula ulo hanggang paa at nagdaranas ng matinding kapighatian, naniwala siya na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay at na kung walang pahintulot ng Diyos, ang mga bagay na ito ay hindi sasapit sa kanya. Dagdag pa rito, nalalaman din niya na ang lahat ng mayroon siya kabilang ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng Diyos. Anumang oras bawiin ng Diyos, ito ay likas at wasto. Kung gayon, hindi siya nagreklamo sa Diyos ni nagkaroon siya ng mga kahilingan para sa Diyos. Bilang resulta, siya ay yumukod at sumamba at gamit ang isang pusong nagpapasakop siya ay nanalangin sa Diyos. Sinabi niya ang mga salitang ito: “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon” (Job 1:21). “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Si Job ay nanindigan at sumaksi para sa Diyos. Ang kanyang diwa at ang kanyang pagpapasakop sa Diyos ay nagtamo ng papuri ng Diyos. Kung nagagawa rin nating tawagin ang Diyos sa paraang ginawa ni Job, kung mayroon tayong isang dako para sa Diyos sa ating mga puso at kung nagagawa nating manalangin sa Diyos gamit ang isang pusong nagpapasakop sa Diyos maging anumang pagsubok ang nasasagupa natin, gagabayan at liliwanagan tayo ng Diyos upang maunawaan natin ang katotohanan. Ang ating mga espiritu ay lalong mas magiging matalas at ang ating mga saloobin ay lalong mas magiging malinaw. Kapag inihahayag natin ang ilang kasamaan o taglay ang ilang masasamang sitwasyon, mas magiging madali pa sa atin na maging mulat tungkol dito at lutasin ito sa oras. Kung gayon, ang ating kaugnayan sa Diyos ay lalong magiging mas malapit at ang ating buhay ay uunlad nang mabilis na mabilis.
Ikatlo, kung hindi taglay ng ating iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat tayong magkaroon ng mga panalangin ng paghahangad.Alam nating lahat, sa dakong huli ng Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay lalo pang mas pinasama ni Satanas. Ang tao ay nabuhay sa gitna ng kasalanan at hinarap niya ang panganib ng pagiging hinatulan ng kautusan at papatayin. Pagkatapos, ang Diyos, sa ilalim ng pangalan ni Jesus, tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at ginawa ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan. Mula noon, ganap na nawala ng Judaismo ang maluwalhating presensya ng Diyos. Para sa lahat ng mga hindi tumanggap sa pangalan at gawain ng Panginoong Jesus, maging anumang mga pangyayari ang kanilang nasagupa at kahit paano man sila nanalangin at nakiusap sa Diyos na si Jehovah, hindi sa kanila makikinig ang Diyos at hindi nila matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, tatamasahin ng lahat ng mga tumanggap sa bagong gawain ni Jesus at nananalangin sa pangalan ni Jesus ang panustos ng bukal ng tubig ng buhay ng Diyos. Kapag sila ay tumawag sa Panginoon makikita nila ang mga gawa ng Diyos at tataglayin nila ang pakikisama ng gawain ng Banal na Espiritu.
Sa kasalukuyan, paano man tayo manalangin sa pangalan ng Panginoon, hindi natin nadarama ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi natin mararamdaman ang Kanyang presensya. Hindi tayo makapagtatamo ng panustos para sa ating mga buhay at magkakasala tayo ngunit hindi tumatanggap ng pagdidisiplina. Lubos na posible na ang gawain ng Banal na Espiritu ay muling lumihis. Sinasabi ng Biblia, “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Makikita natin mula sa mga talatang ito na, sa mga huling araw, ang Diyos ay muling babalik upang gawin ang yugto ng gawaing paghatol. Ang Diyos ay tapat. Ang Kanyang sinasabi ay mangyayari, magkakatotoo. Para sa atin naman, dapat tayong maghangad at manalangin, hilingin sa Diyos na gabayan tayo sa bukal ng buhay upang matamo natin ang pagdidilig at panustos at sundin ang mga yapak ng ating Panginoon. Naniniwala ako na hangga’t mayroon tayong puso na nauuhaw at naghahangad, matatamo natin ang paggabay ng Diyos. Ito ay dahil sa nangako ang Diyos sa atin, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7).
Magpapasalamat sa Panginoon sa Kanyang paggabay. Umaasa ako na ang nilalaman ng ibinahagi sa araw na ito tungkol sa kung paano manalangin ay pakikinabangan ng lahat. Ang panalangin ay isang mahalagang hakbang sa pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Isa din itong mahalagang landas kung saan ay matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nauunawaan natin kung paanong manalangin upang tamuhin ang pagtugon ng Panginoon at magkaroon ng isang landas na susundin at kapag isinasagawa natin ito nang madalas, saka lamang makikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Nawa ang ating mga panalangin sa kalaunan ay maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos.
Ang lahat ng kaluwalhatian ay ma pa sa Diyos!
_________________________________________________
Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos?