Pakikinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon
Ang pangunahing tauhan ay dating mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang gumawa para sa Panginoon at palaging nananabik na magbalik ang Panginoong Jesus. Matibay ang paniniwala niya na kapag bumalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, lantaran Siyang magpapakita na nakasakay sa ulap sa Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan. Nang marinig ng pangunahing tauhan ang nakakatuwang balita na ang Panginoon ay nagkatawang-tao at nagbalik na sa mga huling araw, hindi niya iyon pinaniwalaan at ni hindi iyon siniyasat. Pagkatapos, sa isang pagtitipon, nakita niyang maraming mga propesiya, gaya ng "ang pagdating ng Anak ng tao," "ang Anak ng tao'y darating," at ang Panginoon ay darating "na gaya ng isang magnanakaw." Itong lahat ay mga propesiyang nagsasabing kapag dumating ang Panginoon sa mga huling araw, gagawin Niya iyon sa katawang-tao at nang palihim.Hindi naglakas-
loob ang pangunahing tauhan na panghawakan ang sarili niyang mga pananaw, kaya nagsimula siyang magnilay at maghanap. Kaya sa anong paraan ba talaga dumarating ang Panginoon at nagpapakita sa atin sa mga huling araw? Papaano sasalubungin ng pangunahing tauhan ang Panginoon? Malalaman niyo iyon sa Pakikinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon.
_______________________________________________
Narito ang bawat talata ng mga salita ng Diyos ay maaaring ang katotohanan na nagpapahintulot sa atin na ganap na mailigtas. Magpatuloy sa pag-aaral ng salita ng Diyos sa loob ng 20 minuto bawat araw, at sa gayon ay mas makilala mo ang Diyos at mapatatag ang iyong pananampalataya.