Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4) | Sipi 33
Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga paniwala at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita? Sa naunang yugto, ginawa ni Jesus ang mga tanda at mga kababalaghan, nguni’t hindi ito gayon sa yugtong ito. Hindi ba ang iyong pagkaunawa kung bakit hindi Niya ginagawa ang gayon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? Samakatuwid, ang mga salita na ipinahayag sa yugtong ito ay lampas sa gawain na ginawa ng mga apostol at propeta ng mga henerasyong nagdaan. Kahit na ang mga propesiya na ginawa ng mga propeta ay hindi magagawang magkamit ng gayong mga resulta. Ang mga propeta ay naghahayag lamang ng mga propesiya, ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap, nguni’t hindi ng gawain na gagawin ng Diyos sa panahong iyon. Hindi sila nagsalita upang gabayan ang tao sa kanilang mga buhay, upang magkaloob ng mga katotohanan sa tao o upang magbunyag sa tao ng mga hiwaga, at lalo nang hindi sila nagsalita upang magkaloob ng buhay. Sa mga salitang winika sa yugtong ito, mayroong propesiya at katotohanan, nguni’t higit sa lahat ang mga ito ay naglilingkod upang magkaloob ng buhay sa tao. Ang mga salita sa kasalukuyan ay hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta. Ito ay isang yugto ng gawain na hindi para sa mga propesiya kundi para sa buhay ng tao, upang baguhin ang disposisyon ng tao sa buhay. Ang unang yugto ay ang gawain ni Jehova upang ihanda ang isang landas para sa tao upang sambahin ang Diyos sa lupa. Ito ay ang gawain ng pag-uumpisa upang masumpungan ang pinagmumulan ng gawain sa lupa. Nang panahong iyon, tinuruan ni Jehova ang mga Israelita na sundin ang Sabbath, igalang ang kanilang mga magulang at mamuhay nang mapayapa kasama ang iba. Dahil sa hindi maunawaan ng mga tao nang panahong iyon kung ano ang bumubuo sa tao, at hindi rin nila maunawaan kung paano mabuhay sa lupa, kinailangan sa unang yugto ng gawain na gabayan Niya ang mga tao sa kanilang mga buhay. Ang lahat ng sinabi ni Jehova sa kanila ay hindi pa naipapaalam sa sangkatauhan sa nakaraan o nataglay man nila. Nang panahong yaon ay maraming propeta ang ibinangon upang magsalita ng mga propesiya, ang lahat ay ginawa sa ilalim ng pamumuno ni Jehova. Ito ay isang bahagi lamang ng gawain. Sa unang yugto, ang Diyos ay hindi naging laman, kaya Siya ay nagsalita sa lahat ng mga angkan at mga bansa sa pamamagitan ng mga propeta. Nang ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain sa panahong yaon, hindi Siya nagsalita ng kasing dami ng sa kasalukuyan. Ang gawaing ito ng salita sa mga huling araw ay hindi pa kailanman nagawa sa nakaraang mga kapanahunan at mga henerasyon. Kahit sina Isaias, Daniel at Juan ay gumawa ng maraming mga propesiya, ang gayong mga propesiya ay ganap na naiiba mula sa mga salita na binibigkas ngayon. Ang kanilang mga binigkas ay mga propesiya lamang, nguni’t ang mga salita ngayon ay hindi. Kung gagawin Kong mga propesiya ang aking mga sinabi ngayon, magagawa ba ninyong maunawaan? Kung ako ay magsalita ng mga bagay para sa hinaharap, mga bagay pagkatapos kong nawala, paano ka maaaring makatamo ng pagkaunawa? Ang gawain ng mga salita ay hindi kailanman ginawa sa panahon ni Jesus o sa Kapanahunan ng Kautusan. Marahil ang ilan ay maaaring magsabi, “Hindi ba nagwika din si Jehova ng mga salita sa panahon ng Kanyang gawain? Bukod sa pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo at paggawa ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi ba nagwika rin ng mga salita si Jesus nang panahong yaon?” May mga pagkakaiba sa kung paano binibigkas ang mga salita. Ano ang sangkap ng mga salita na binigkas ni Jehova? Ginagabayan lamang Niya ang mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, na walang kinalaman sa espirituwal na mga bagay sa buhay. Bakit sinasabi na ang mga salita ni Jehova ay ipinahayag sa lahat ng mga lugar? Ang salitang “ipinahayag” ay tumutukoy sa pagbibigay ng malinaw na mga paliwanag at direktang pagtuturo. Hindi Siya nagtustos ng buhay sa tao; sa halip, hinawakan Niya sa kamay ang tao at tinuruan ang tao kung paano Siya igalang. Walang mga parabula. Ang gawain ni Jehova sa Israel ay hindi upang pakitunguhan o disiplinahin ang tao o upang magdala ng paghatol at pagkastigo; ito ay upang mag-akay. Inatasan ni Jehova si Moises na sabihin sa Kanyang bayan na magtipon ng mana sa kaparangan. Tuwing umaga bago ang pagsikat ng araw, sila ay mag-iipon ng mana, sapat lamang upang kainin sa araw na iyon. Ang mana ay hindi maaaring itabi hanggang sa susunod na araw, sapagka’t ito ay aamagin. Hindi Niya tinuruan ang tao o ibinunyag ang kanilang mga kalikasan, at hindi Niya ibinunyag ang kanilang mga naiisip at mga iniisip. Hindi niya binago ang tao nguni’t ginabayan ang mga ito sa kanilang mga buhay. Sa panahong iyon, ang tao ay tulad ng isang bata; ang tao ay walang naunawaan na kahit ano at nakakagawa lamang ng pangunahing mekanikal na mga pagkilos; samakatuwid, nagtalaga lamang si Jehova ng mga kautusan upang gabayan ang tao.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
_____________________________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?