Talaga bang Pases sa Kaharian ng Langit ang Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan? (Clip 4/5)
Maraming tao sa relihiyon ang nag-iisip na inamin na nila ang kanilang mga kasalanan at pinagsisihan na ang mga ito matapos manalig sa Panginoon, kaya natubos na sila, at naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Pagdating ng Panginoon, direkta Niya silang iaangat sa kaharian ng langit, at marahil ay hindi na Niya gagawin ang pagdadalisay at pagliligtas. Tumutugma ba ang pananaw na ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Sabi sa Biblia: “Pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Sabi ng Diyos: “Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Magrekomenda nang higit pa: Ano ang pagsisisi
————————————————————————
Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos? Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?