Ang Kidlat ng Silanganan -Magsamang muli sa Panginoon

Kidlat ng Silanganan — Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain | Sipi 19

May ilang mga tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagkat hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, gaano man karami ang taon na pagsunod nila sa Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw. Katulad nila ang mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa mga di-mananampalataya sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay, sumusunod sila sa kanilang mga batas ng kaligtasan at paniniwala. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi sila naniniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, at hindi nila kailanman kinikilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain, kaya hindi nila inisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon ng Diyos at diwa ng Diyos. Maaari mong sabihin na ang lahat na tumutugma sa tunay na Diyos ay walang kinalaman sa mga taong ito. Hindi sila interesado, at hindi sila maaaring abalahin upang tumugon. Dahil sa kailaliman ng kanilang mga puso ay mayroong isang malakas na tinig na palaging nagsasabi sa kanila: Ang Diyos ay hindi nakikita at hindi mahipo, at ang Diyos ay hindi umiiral. Naniniwala sila na pagsasayang lamang ng kanilang pagsisikap ang pagsubok na unawain ang ganitong uri ng Diyos; panloloko lamang ito sa kanilang mga sarili. Kinikilala lamang nila ang Diyos sa mga salita, at wala silang anumang tunay na paninindigan. Wala rin silang ginagawang kahit anong mga praktikal na tuntunin, sa pag-iisip na sila ay matatalino. Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya. Tinatanong ng ilang mga tao: “Maaari bang basahin ng mga di-mananampalataya ang salita ng Diyos? Maaari ba nilang gawin ang kanilang tungkulin? Maaari ba nilang sabihin ang mga salitang ito: ‘Ako ay mabubuhay para sa Diyos’?” Ang madalas nakikita ng mga tao ay ang pakunwari na ipinakikita ng mga tao, hindi ang kanilang diwa. Ngunit hindi tumitingin ang Diyos sa pakunwari na mga pagpapakita; nakikita lamang Niya ang kanilang panloob na diwa. Kaya, ang Diyos ay may ganitong uri ng saloobin, ganitong uri ng kahulugan, sa mga taong ito. Tungkol sa sinasabi ng mga taong ito: “Bakit ito ginagawa ng Diyos? Bakit ginagawa ng Diyos iyon? Hindi ko maintindihan ito; hindi ko maintindihan iyon; hindi ito alinsunod sa mga kuru-kuro ng tao; kailangan mong ipaliwanag yan sa akin;” … Ang Aking sagot ay: Kailangan bang ipaliwanag ang bagay na ito sa iyo? May anumang kahalagahan ba ang bagay na ito sa iyo? Sino ka sa tingin mo? Saan ka nanggaling? Kwalipikado ka bang magbigay ng mga payo sa Diyos? Naniniwala ka ba sa Kanya? Kinikilala ba Niya ang iyong paniniwala? Sapagkat walang kinalaman sa Diyos ang iyong paniniwala, anong kinalaman ng Kanyang mga gawain sa iyo? Hindi mo alam kung ano ang katayuan mo sa puso ng Diyos, gayon pa man kwalipikado kang makipag-usap sa Kanya?

 Mga Salitang Pagpapayo

Kumportable pa ba kayo pagkatapos ninyong marinig ang mga pahayag na ito? Kahit na ayaw ninyong makinig sa mga salitang ito, o ayaw ninyong tanggapin ang mga ito, ang lahat ng mga ito ay pawang katotohanan. Dahil ang yugtong ito ng gawain ay para sa Diyos, kung wala kang pakialam sa mga layunin ng Diyos, wala kang pakialam sa saloobin ng Diyos, at hindi mo nauunawaan ang diwa at disposisyon ng Diyos, sa katapusan ikaw ang matatalo. Huwag mong sisihin ang mga salita Ko na mahirap dinggin, at huwag mong sisihin ang mga ito sa pagliit ng inyong sigasig. Sinasabi ko ang katotohanan; Hindi ko ibig pahinain ang inyong loob. Anumang bagay ang hingin ko sa inyo, at paano man ang paraan ng hinihiling na paggawa ninyo, umaasa ako na lalakad kayo sa tamang landas, at umaasa ako na susundin ninyo ang landas ng Diyos at huwag lumihis mula sa landas na ito. Kung hindi ka magpapatuloy nang alinsunod sa salita ng Diyos, at hindi mo susundin ang Kanyang landas, walang duda na ikaw ay nagrerebelde sa Diyos at lumihis sa tamang landas. Kaya sa tingin Ko ay may ilang bagay na dapat Kong linawin para sa inyo, upang maniwala kayo ng ganap, malinaw, walang kahit kaunting kawalan ng katiyakan, at tulungan kayo ng ganap na malaman ang saloobin ng Diyos, ang mga layunin ng Diyos, kung paano pineperpekto ng Diyos ang tao, at sa anong paraan Niyang itinatakda ang mga kalalabasan ng tao. Kung dumating man ang araw kapag hindi mo magawang lumakad sa landas na ito, wala na akong pananagutan, dahil ang mga salitang ito ay naipahayag na sa iyo ng napakalinaw. Tungkol sa kung paano mo tratuhin ang sarili mong kalalabasan—ang bagay na ito ay ganap na nakasalalay sa iyo. Ang Diyos ay may iba’t ibang saloobin tungkol sa mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao. Mayroon Siyang sariling mga paraan sa pagsukat sa tao, at Sarili Niyang pamantayan ng mga kahilingan. Ang pamantayan Niya sa pagsukat ng tao ay makatarungan sa lahat ng tao—walang duda tungkol dito! Kaya hindi kailangan ang takot ng ilang mga tao. Maginhawa na ba ang pakiramdam mo ngayon?

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

_____________________________________________

Alam mo ba kung bakit mahalaga ang kaligtasan? Paano natin makakamit ang walang hanggang kaligtasan? Ang artikulong ito ay magbibigay ng sagot sa iyo.