Ang Kidlat ng Silanganan -Magsamang muli sa Panginoon

Kidlat ng Silanganan — Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain | Sipi 18

May isang katatanong lang: Paanong mas higit ang nalalaman natin tungkol sa Diyos kaysa kay Job, ngunit hindi pa rin tayo matakot sa Diyos? Natalakay na natin kamakailan ang kaunti sa paksang ito, hindi ba? Sa katunayan, ang diwa ng tanong na ito ay natalakay na noon, na kahit hindi kilala noon ni Job ang Diyos, itinuring niya Siya na katulad ng Diyos, at itinuring Siya bilang Panginoon ng lahat ng bagay sa langit at lupa. Hindi itinuring ni Job ang Diyos na isang kaaway.

Sa halip, sinamba niya Siya bilang ang Maylalang ng lahat ng bagay. Bakit matindi ang paglaban ng mga tao sa Diyos sa panahong ito? Bakit hindi sila matakot sa Diyos? Ang isang dahilan ay dahil lubhang natiwali sila ni Satanas. Sa pamamagitan ng kalikasan ni Satanas na malalim na nakaugat, ang mga tao ay naging kaaway ng Diyos. Kaya, kahit na naniniwala sila sa Diyos at kinikilala nila ang Diyos, maaari pa rin nilang labanan ang Diyos at ilagay ang kanilang sarili na pagsalungat sa Kanya. Ito ay naitakda sa kalikasan ng tao. Ang iba pang dahilan ay bagaman naniniwala ang mga tao sa Diyos, hindi Siya itinuturing bilang Diyos. Sa halip, isinasaalang-alang nila ang Diyos na taliwas sa tao, ibinibilang Siya na kaaway ng tao, at hindi sila makakasundo ng Diyos. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi ba napag-usapan ang bagay na ito sa nakaraang sesyon? Pag-isipan mo ito: Iyan ba ang dahilan? Kahit na mayroon kang kapirasong kaalaman tungkol sa Diyos, ano naman ang kaalaman na ito? Hindi ba ito ang pinag-uusapan ng lahat? Hindi ba ito ang sinabi ng Diyos sa iyo? Alam mo lamang ang mga aspetong teyorya at doktrina; naranasan mo na ba ang tunay na aspeto ng Diyos? Mayroon ka bang mapansariling kaalaman? Mayroon ka bang praktikal na kaalaman at karanasan? Kung hindi sinabi ng Diyos sa iyo, malalaman mo ba ito? Ang kaalaman mo sa mga teyorya ay hindi kumakatawan sa tunay na kaalaman. Sa madaling salita, gaano man kadami ang alam mo at kung paano mo nalaman ito, bago mo natamo ang tunay na pang-unawa sa Diyos, kaaway mo ang Diyos, at bago pa ang aktuwal na ganitong pagtrato mo sa Diyos, pasalungat na Siya sa iyo, sapagka’t ikaw ay isang mismong larawan ni Satanas.

Kapag kasama mo si Cristo, marahil maaari mo Siyang bigyan ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, marahil bigyan Siya ng tsaa, asikasuhin ang mga pangangailangan Niya sa buhay, parang pagtrato kay Cristo bilang Diyos. Sa tuwing may mangyari, ang mga pananaw ng mga tao ay palaging salungat sa Diyos. Laging hindi nila maunawaan ang pananaw ng Diyos, hindi nila ito matanggap. Kahit sa panlabas ay mukhang nakakasundo ng mga tao ang Diyos, hindi ito nangangahulugan na kaayon sila sa Kanya. Sa sandaling may mangyari, lilitaw ang katotohanan ng pagsuway ng tao, na magpatitibay sa alitan na umiiral sa pagitan ng tao at Diyos. Sa alitang ito hindi ang Diyos ang sumasalungat sa tao; hindi ang Diyos ang may gustong magalit sa tao, at hindi ang Diyos ang naglalagay at tumatrato sa tao nang ganito. Sa halip, ito ay isang kaso ng pasalungat na diwa sa Diyos nakakubli sa pansariling kalooban ng tao, at sa walang-malay na isip ng tao. Dahil itinuturing ng tao ang nagmumula sa Diyos bilang sentro ng kanyang pananaliksik, ang kanyang tugon sa nagmumula sa Diyos at sa nauugnay sa Diyos ay, higit sa lahat, panghuhula, at pagdududa, at agarang pagpapatibay sa isang saloobin na pasalungat at lumalaban sa Diyos. Pagkatapos nito, kukunin ng tao ang mga di-aktibong saloobin na ito at lalabanan o makipagtunggali sa Diyos, hanggang sa punto kung saan pagdududahan niya kung dapat bang sumunod sa ganitong uri ng Diyos. Sa kabila ng katotohanan na sinasabi ng pagkamakatuwiran ng tao na hindi siya dapat magpatuloy nang ganito, pinipili pa rin niyang gawin ito, na magpapatuloy nang walang pag-aatubili hanggang sa katapusan. Halimbawa, ano ang unang reaksyon ng ilang mga tao kapag naririnig nila ang ilang bulung-bulungan o paninirang-puri tungkol sa Diyos? Ang unang reaksyon nila ay: Hindi ko alam kung ang bulung-bulungan na ito ay totoo o hindi, kung umiiral man ito o hindi, maghihintay lamang ako at magmamatyag. Pagkatapos ay magsisimula silang mag-isip: Walang paraan upang patunayan ito; umiiral kaya ito? Totoo ba ang bulung-bulungan na ito o hindi? Kahit hindi ipinakikita ng taong ito sa lantaran, ang kanilang puso ay nagsimula nang magduda, nagsimula nang ipagkanulo ang Diyos. Ano ang diwa ng ganitong uri ng saloobin, itong uri ng pananaw? Hindi ba ito pagtataksil? Bago sila nahaharap sa bagay na ito, hindi mo makikita ang pananaw ng taong ito—parang hindi sila sumasalungat sa Diyos, parang hindi nila itinuturing ang Diyos na isang kaaway. Gayunpaman, sa sandaling sila ay nahaharap dito, kaagad silang kumakampi kay Satanas at tumututol sa Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na magkalaban ang tao at ang Diyos! Hindi dahil itinuturing ng Diyos ang tao bilang isang kaaway, kundi ang mismong pinakadiwa ng tao ang salungat sa Diyos. Hindi alintana kung gaano man katagal na sumusunod sa Diyos ang isang tao, kung magkano ang ibinayad nila; hindi alintana kung paano ang mga papuri nila sa Diyos, kung paano nila ilayo ang kanilang sarili mula sa pagsuway sa Diyos, hinihimok pa nila ang kanilang sarili na ibigin ang Diyos, hindi nila kailanman nagawang ituring ang Diyos bilang Diyos. Hindi ba ito itinatakda ng diwa ng tao? Kung itinuturing mo Siya bilang Diyos, tunay na naniniwala ka na Siya ay Diyos, maaari ka pa rin bang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan sa Kanya? Puwede pa rin bang may anumang mga tandang pananong tungkol sa Kanya sa iyong puso? Wala dapat. Ang daloy ng sanlibutang ito ay napakasama, ang sanlibutang ito ay napakasama—paano na wala kang anumang mga pagkaintindi tungkol sa kanila? Ikaw mismo ay napakasama—paano na wala kang anumang mga pagkaintindi tungkol dito? Ngunit ilang mga alingawngaw lamang, ilang mga paninirang-puri, ay maaaring magdulot ng malalaking pagkaintindi tungkol sa Diyos, maaaring magdulot ng maraming ideya, na nagpapakita kung gaano kamusmos ang iyong tayog! Ang “paghiging” lamang ng ilang mga lamok, ang ilang nakaiinis na mga langaw, sapat na yan upang malinlang ka? Anong uri ng tao ito? Alam mo ba kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa ganitong uri ng tao? Sa katunayan napakalinaw ang saloobin ng Diyos sa kung paano Niya tratuhin ang mga taong ito. Ipagsasawalang-bahala lamang ng Diyos ang mga taong ito—ang saloobin Niya ay ang hindi pagbibigay-pansin sa kanila, at ang hindi pagseryoso sa mga mangmang na mga taong ito. Bakit ganoon? Dahil sa Kanyang puso hindi Niya kailanman binalak na kamtan ang mga tao na ganap na naging salungat sa Kanya hanggang sa katapusan, at hindi kailanman nagbalak na hanapin ang landas ng pagiging kaayon sa Kanya. Marahil ay nakasakit ang mga salitang Aking inihayag sa ilang tao. Payag ba kayo na lagi Ko kayong sinasaktan ng ganito? Hindi alintana kung payag ba kayo o hindi, ang lahat ng mga sinasabi Ko ay katotohanan! Kung palagi Ko kayong sinasaktan ng tulad nito, laging inilalantad ang mga sugat ninyo, nakakaapekto ba ito sa matayog na imahe ng Diyos sa inyong mga puso? (Hindi.) Sumasang-ayon Ako na hindi. Sapagkat wala namang Diyos sa inyong mga puso. Ang matayog na Diyos na nasa inyong mga puso, ang lagi ninyong ipinagtanggol at pinag-iingatan, ay hindi naman Diyos. Sa halip ito ay isang kathang isip ng tao; hindi ito umiiral. Kaya mas mahusay na ilantad Ko ang sagot sa bugtong na ito. Hindi ba ito ang buong katotohanan? Ang tunay na Diyos ay hindi ang nasa mga imahinasyon ng tao. Umaasa Akong matatanggap ninyong lahat ang katotohanan na ito, at makatutulong sa inyong kaalaman sa Diyos.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

 

Rekomendasyon: bakit mahalaga ang kaligtasan

_______________________________________________

 

Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot——Paano Tayo Ma-Raraptyur Bago ang mga Sakuna Kapag ang mga Sakuna na Tulad ng Wuhan Coronavirus at Salot na Balang ng East Africa ay Sumalakay?