Isang Bagong pagtuklas: Kapag Nagbalik ang Panginoon, Hindi Niya Iaangat ang mga Tao sa Langit Upang Katagpuin Siya
Ngayon ay ang mga mahahalagang sandali ng pagsalubong sa pagdating ng Panginoon. Maraming mga kapatid ang inaasahan na mararaptyur sa itaas ng langit upang makatagpo ang Panginoon kapag Siya ay dumating. Gayunpaman, maraming uri ng mga kalamidad ang dumadating na sa atin at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na, ngunit hindi natin nakikita ang isa man na itinataas sa langit. Kaya, ang pagraraptyur ba ay talagang nangangahulugan na pagraptyur sa langit?
Iniisip natin na iraraptyur tayo ng Panginoon sa langit upang katagpuin Siya. Ngayon, kaugnay sa katanungang ito, atin munang pag-isipan kung ang ating mga kuru-kuru ay naaayon sa mga salita ng Panginoon. siguradong hindi. Sa simula, nilikha ng Diyos ang tao sa lupa, inihanda ang lahat ng bagay na kinakailangan nila, at sinabi sa kanila na sambahin at luwalhatiin Siya sa lupa. Ang aklat ng Pahayag ay nagpropesiya din, "Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila" (Pahayag 21:3). "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man" (Pahayag 11:15). Mula sa talatang ito makikita natin na itataguyog ng Diyos ang Kanyang kaharian dito sa lupa at ang kaharian ng lupa ay babaguhing-anyo bilang kaharian na pinamumunuan ni Kristo. Sa gayon, ang lugar na inihanda ng Diyos para sa atin ay hindi sa langit, at kapag Siya ay bumalik, Hindi tayo iraraptyur ng Panginoon sa langit, ngunit pinangungunahan tayo na sambahin ang Diyos sa lupa. Bukod pa, kung tayo ay iraraptyur sa langit, hindi tayo makaliligtas. Kaya, ang pagraraptyur sa itaas ng langit upang makatagpo ang Panginoon ay tanging imahinasyon natin at hindi naaayon sa katotohanan.
Gayon, ano ang tunay na raptyur? Sa aming susunod na post, ipapagpatuloy na tatalakayin namin ang isyung ito.
_____________________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?