Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos
Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan nguni’t hindi ito maisasagawa. Ang isang salik ay yaong ayaw ng tao na magbayad ng halaga, at ang isa pa ay yaong masyadong di-sapat ang pagtalos ng tao; hindi niya kayang makakita nang lampas sa marami sa mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may napakaliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pag-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang lutasin ang mga paghihirap na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay mananampalataya sa Diyos sa salita lamang, gayunpaman hindi niya kayang dalhin ang Diyos sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magpapahintulot sa tao na makamit at maperpekto Niya sa realidad. Sa katotohanan, hindi sa hindi ganap ang salita ng Diyos, bagkus ay na hindi lang sapat ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita. Masasabi na halos walang isa mang tao na kumikilos ayon sa mga hangarin ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling mga intensyon, naitatag na mga relihiyosong pagkaunawa, at mga kaugalian. Kakaunti ang mga sumasailalim sa pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at nagsisimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nagpipilit sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos, ginagawa niya ito batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba na lubusang batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Napakakaunti ang mga nagbubuo ng isa pang plano at nagpapanibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagpapalagay o nagsasagawa ng salita ng Diyos bilang ang katotohanan.
Kunin ang pananampalataya kay Jesus, bilang halimbawa. Kung ang isang tao man ay baguhan sa pananampalataya o dati nang may pananampalataya sa napakahabang panahon, ang lahat ay ginagamit lamang ang anumang mga talento nila at nagpapakita ng kahit anong mga kasanayang kanilang angkin. Idinagdag lamang ng mga tao ang tatlong salitang “pananampalataya sa Diyos” sa normal nilang buhay, gayunman walang ginawang pagbabago sa kanilang disposisyon, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi lumago kahit katiting. Ang paghahabol ng isang tao ay hindi mainit o malamig. Hindi niya sinabi na hindi siya naniwala, gayunman hindi rin niya ibinigay ang lahat sa Diyos. Kailanman ay hindi niya totoong minahal ang Diyos o sinunod ang Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay kapwa tunay at pakunwari, at nagbulag-bulagan siya at hindi masigasig sa pagsasagawa ng kanyang pananampalataya. Siya ay nagpatuloy sa isang kalagayang may kalituhan mula sa pinaka-simula hanggang sa oras ng kanyang kamatayan. Ano ang ibig sabihin nito? Ngayon, kailangan mong magpasimula sa tamang landas yamang ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, kundi hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwanagan at ng iyong sariling paghahabol, makakain mo at maiinom ang Kanyang salita, nakakabuo ng isang totoong pagkaunawa sa Diyos, at nagkakaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay na tunay, anupa’t walang makakasira o makakahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Ikaw naman ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagka’t ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaangkin ng iba pa. Dahil sa iyong karanasan, sa halaga na iyong binayaran, at sa gawain ng Diyos, umuusbong nang kusa ang pag-ibig mo para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag ng salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay nakalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman na masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa iyong paniniwala sa Diyos, dapat mong hanapin ang mithiing ito. Ito ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Walang dapat maging kampante sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay. Hindi kayo makakapag-dalawang-isip tungo sa gawain ng Diyos o basta ituturing ito. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng larangan at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay para sa Kanyang kapakanan. At kapag nagsasalita kayo o gumagawa ng mga bagay-bagay, dapat ninyong unahin ang mga interes ng tahanan ng Diyos. Tanging ito ang tumatalima sa kalooban ng Diyos.
Ang pinakamalaking pagkakamali ng tao sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay yaong sa mga salita lamang ang kanyang pananampalataya, at hindi sa anumang paraan umiiral ang Diyos sa kanyang praktikal na buhay. Ang lahat nga ng tao ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subali’t ang Diyos ay hindi bahagi ng kanilang pang-araw-araw na mga buhay. Maraming panalangin sa Diyos ang nagmumula sa bibig ng tao, nguni’t ang Diyos ay may maliit na lugar sa kanyang puso, at dahil dito paulit-ulit na sinusubok ng Diyos ang tao. Sa dahilang ang tao ay hindi malinis, ang Diyos ay walang mapagpipilian kundi subukin ang tao, upang mapahiya siya at makilala ang kanyang sarili sa mga pagsubok. Kung hindi, ang tao ay lahat magiging inapo ng arkanghel, at lalong magiging tiwali. Sa panahon ng paniniwala ng tao sa Diyos, maraming personal na motibo at mga layunin ang matatanggal habang siya ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Kung hindi, walang tao ang magagamit ng Diyos, at walang paraan ang Diyos na gawin sa tao ang dapat Niyang gawin. Nililinis muna ng Diyos ang tao. Sa prosesong ito, maaaring makilala ng tao ang sarili niya, at maaaring baguhin ng Diyos ang tao. Pagkatapos lamang nito maaaring ibahagi ng Diyos ang Kanyang buhay sa tao, at sa ganitong paraan lamang lubusang naibabaling ang puso ng tao sa Diyos. Kaya, hindi napakasimple ang pananampalataya sa Diyos gaya ng maaaring sinasabi ng tao. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lamang nguni’t wala ang salita Niya bilang buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman nguni’t hindi maisasagawa ang katotohanan o maisasabuhay ang salita ng Diyos, kung gayon ito ay patunay pa rin na wala kang pusong may pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Ang pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling mithiin at siyang dapat hanapin ng tao. Dapat kang maglaan ng pagsisikap sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maging totoo sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung iyo ring isinasagawa at isinasabuhay ang Kanyang mga salita na maituturing na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos. Sa landas na ito, maraming tao ang makakapagsalita ng maraming kaalaman, nguni’t sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay apaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakasayang sa isang buong buhay at namuhay para sa wala hanggang sa katandaan. Nauunawaan lang nila ang mga doktrina nguni’t hindi nila kayang isagawa ang katotohanan at magpatotoo sa Diyos, sa halip tumatakbo lang paroo’t parito, abala na tulad ng isang pukyutan; kapag naghihingalo na, sa huli nila nakikita na kulang sila sa tunay na patotoo, na hindi nila tunay na nakikilala ang Diyos. Hindi ba ito kung gayon masyadong huli na? Bakit hindi mo samantalahin ang araw at hanapin ang katotohanan na iyong minamahal? Bakit maghihintay pa hanggang kinabukasan? Kung sa buhay ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o naghahanap na makamit ito, posible bang ninanais mong maramdaman ang panghihinayang sa oras ng iyong paghihingalo? Kung gayon, bakit pa naniniwala sa Diyos? Sa katotohanan, maraming bagay na kung saan ang tao, kung siya’y nag-uukol lamang ng katiting na pagsisikap, ay makakapagsagawa ng katotohanan at sa gayon ay napalulugod ang Diyos. Ang puso ng tao ay palagiang nilulukuban ng mga demonyo kung kaya hindi siya makakakilos para sa kapakanan ng Diyos. Sa halip, siya ay palaging naglalakbay nang pabalik-balik para sa laman, at walang anumang napapakinabang sa katapusan. Dahil sa mga katuwirang ito kaya ang tao ay may palagiang mga problema at paghihirap. Hindi ba ito mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba ito katiwalian ng laman? Hindi mo dapat lokohin ang Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa salita lamang. Sa halip, dapat kang gumawa ng nadaramang pagkilos. Huwag mong lokohin ang iyong sarili; ano ang kahulugan doon? Ano ang iyong mapapakinabang sa pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pagpapagal para sa katanyagan at kapalaran?
Rekomendasyon:https://tl.kingdomsalvation.org/you-ought-to-live-for-the-truth-since-you-believe-in-god.html
__________________________________________________________
Ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay gabayan para sa atin upang mamuhay bilang nilalang na tao, kumilos, at sumamba sa Diyos. Ito ay pundasyon ng ating pag-iral. Hangga’t sa kumikilos tayo ng naaayon sa katotohanan, tayo ay maaaring sang-ayunan ng Diyos at mamuhay sa liwanag ng Diyos.