Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa n
Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.
Nagtatanong ang maraming tao: ‘Di ba nangako ang Panginoon na Siya ay muling darating upang dalhin tayo sa kaharian ng langit? Sa pagdating Niya, bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos? Katunayan, ginagawa ng Panginoon ang paghatol upang buuin ang mga mananagumpay, ibig sabihin, upang dalhin ang mga banal. Kung titingnan natin, maraming katibayan sa Biblia na magpapaliwanag kung bakit sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay kailangan Niyang gawin ang paghatol. Ang propesiyang ito na muling darating ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang paghatol ay mas maraming beses lumitaw sa Biblia, mga mahigit 200 beses, at maraming banal na kasulatan na nagpopropesiya sa pagkakatawang-tao ng Diyos na ginagawa ang paghatol. Halimbawa, “At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao” (Isaias 2:4). “Sa harap ng Panginoon, sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan” (Awit 98:9). “Sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol” (Pahayag 14:7). “Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31). “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y Anak ng tao” (Juan 5:27). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol…” (Juan 5:22). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Sa mga Liham ni Pedro, mayroon din tayong “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). At marami pang iba. Malinaw na ipinapakita sa atin ng mga banal na kasulatan na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tiyak na darating sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol.
Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay naisasagawa sa pagpapahayag ng Kanyang salita upang hatulan, dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Lahat ng makaririnig sa tinig ng nagbalik na Panginoong Jesus at hinahanap at tinatanggap Siya ay mga matalinong dalaga na makakasama Niya sa piging ng kasal. Katuparan ito ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Panginoon at lumalapit para batiin Siya; ang susunod na alam nila, dinadala sila ng Panginoon sa harapan ng luklukan upang makita Siya nang harap-harapan. Tinatanggap nila ang paghatol, pagdadalisay, at pagperpekto ng Diyos sa mga huling araw at sa huli, sa paghatol gamit ang mga salita ng Diyos, ang kanilang tiwaling disposisyon ay dinadalisay at ginagawang perpekto upang maging mga mananagumpay. Gaya ng nakikita mo, kung nais nating makamit ang ipinangako ng Panginoon, kailangan muna tayong humarap kay Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, tanggapin at danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, upang magawang dalisay at perpekto ng Diyos. Kung hindi, tayo ay hindi kwalipikadong dalhin sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi kabilang sa mga makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan”). “Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”). “Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang gagawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan”). Itinuturo na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang daan papunta sa kaharian ng langit. Si Cristo ng mga huling araw ang pintuan para pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi nararanasan ng tao ang gawain ng paghatol ni Cristo sa mga huling araw, hindi siya magagawang dalisay at perpekto, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang awtoridad na ipinakita ng Diyos na nagkatawang-tao. Pinatutunayan nito na sa ikalawang pagdating ng Panginoon, Siya ay tiyak na magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol sa mga huling araw. Marami nang nagawa ang Diyos dito. Kung mayroon pang mga naniniwala na sila ay madadala sa kaharian ng langit nang hindi nararanasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ito ay sintomas ng kanilang mga paniwala at ilusyon, hindi ito kailanman mangyayari.
Kung talagang dumating ang Panginoon bilang pagkakatawang-tao, paanong maraming talata ng Biblia ang nagsasabing darating Siya sa mga ulap upang makita ng lahat? Paano ninyo ito ipapaliwanag? Sa Biblia ay may ilang propesiya na nagsasaad na ang Panginoon ay darating sa mga alapaap taglay ang Kanyang kapangyarihan at malaking kaluwalhatian. Totoo ito. Pero, mas marami pang mga talata sa Biblia na nagpopropesiya na ang Panginoon ay darating nang palihim. Halimbawa: “Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “…sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Gaya ng nakikita mo, may dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoon: ang isa ay lantaran, ang isa naman ay sa lihim. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, na pinatotohanan natin ngayon, ay ang gawain lamang ng Panginoon na darating nang lihim. Dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay dumating sa mga tao sa uri ng isang normal, karaniwang tao, sa tao, Siya ay dumarating nang lihim, walang makapagsasabi na Siya ang Diyos, walang nakakaalam sa Kanyang tunay na pagkakilanlan. Tanging kapag nagsimula ang Anak ng tao na gumawa at magsalita makikilala ng mga tao ang Kanyang tinig. Ang mga bigong makilala ang Kanyang tinig ay tiyak na tatratuhin Siya bilang karaniwang tao, ikinakaila at tinatanggihan Siya. Tulad nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, Siya ay tila isang karaniwan at normal na tao sa panlabas na anyo, kaya karamihan sa mga tao ay itinatwa, kinalaban at kinondena Siya, samantalang ang ilan, sa pamamagitan ng salita at gawain ng Panginoong Jesus, ay nakilala Siya bilang ang nagkatawang-taong Cristo, ang pagpapakita ng Diyos. Ngayon ang yugto kung saan dumarating ang Makapangyarihang Diyos sa lihim para gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang sangkatauhan. Kasalukuyan Niyang ipinapahayag ang Kanyang salita para hatulan, dalisayin, at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa puntong ito, tiyak na hindi makikita ng tao ang Panginoon na nagpapakita sa ibabaw ng mga ulap. Tanging pagkatapos mabuo ang isang grupo ng mga mananagumpay at ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at lihim na pagbaba sa mga tao ay nakumpleto, kung kailan ang mga kalamidad ay dadalaw sa lupa at parurusahan ng Diyos ang masasama habang ginagantimpalaan ang mabuti, na hayagang nagpapakita sa lahat ng mga bansa ng daigdig. Sa panahong ito, ang mga propesiya ng hayagang pagbaba ng Panginoon sa lupa ay matutupad, tulad ng sinasabi sa Biblia: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya: at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya” (Pahayag 1:7). Kapag nakikita ng tao ang pagpapakita ng Panginoon sa lahat ng sangkatauhan sa ibabaw ng mga ulap, sa teoriya sila ay labis na magagalak, pero sinasabi dito na “kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa.” Bakit ganito? Ito ay dahil sa kapag nagpakita na nang hayagan ang Diyos, ang gawain ng pagliligtas ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa Kanyang lihim na pagbaba sa mga tao ay magiging kumpleto na at nasimulan na ng Diyos ang Kanyang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Sa panahong ito, lahat ng tumanggi sa lihim na gawain ng Diyos ay wala nang pagkakataong maligtas. Ang mga tumusok sa Kanya, ibig sabihin, ang mga kumalaban at nagkondena kay Cristo ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, paanong hindi nila babayuhin ang kanilang dibdib sa kalungkutan, pagtangis at pagtatagisin ang kanilang mga ngipin, nalalaman na ang Taong kinalaban at kinondena nila ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus? Kaya ganoong lilitaw ang eksena ng “magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa.” Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang oras na nasaksihan mong bumaba si Jesus mula sa langit ang iyon ring oras ng pagbaba mo sa impiyerno para parusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo’y napadalisay na, ay nakabalik na sa luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at pinapakawalan ang tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. … Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa”).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos natanto natin na ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw sa Kanyang lihim na pagbaba sa mga tao ay mahalagang yugto ng gawain ng pagperpekto ng Diyos sa tao. Sa anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang gawaing ito ay kumakatawan sa pambihirang pagkakataon para gawing perpekto ng Diyos ang tao. Lahat ng mga tumatanggap sa lihim na gawain ng Diyos at ginagawang perpekto ay tumanggap ng espesyal na biyaya ng Diyos at sila ang pinaka-pinagpala. Kung hindi natin pahahalagahan ang pambihirang pagkakataong ito at palalampasin ang gawain ng Diyos na paggawa ng mga mananagumpay, tayo ay mananaghoy lamang at pagtatagisin ang ating mga ngipin, labis na manghihinayang.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan
_________________________________________________
Bukod sa paraan sa mga propesiya na ang Panginoon ay bababa sa mga ulap, mayroon ding mga paraan sa mga propesiya, tulad ng "Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw." Kung gayon paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw? Mangyaring i-click ang: Propesiya sa bibliya