Ang Kidlat ng Silanganan -Magsamang muli sa Panginoon

Kidlat ng Silanganan — Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit

Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang Makapagliligtas sa Tao Mula sa mga Sakuna

               f:id:Arkongmgahulingaraw:20200612105414j:plain

Ang salot na ito ay hindi pa natatapos, habang ang taggutom ay palapit na. Kung walang pagkain, magugutom tayo, at walang paraan para mabuhay. Kung gayon ano ang dapat nating gawin?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."
Mula rito makikita natin na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, at hindi natin makokontrol ang ating sariling kapalaran, kapag lamang tayo ay lumapit sa harap ng Makapangyarihang Diyos, ang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng mga bagay, at tanging kapag tayo ay nagpatirapa sa harap ng Diyos, mangumpisal sa Kanya at magsisi, maaari nating makamit ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos sa mga sakuna.

 

_________________________________________________