Sangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa
Sangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa
Nasimulan na ng Diyos gawain N'ya sa buong sansinukob.
Gumigising mga tao roo't nililigid lahat ng gawa N'ya.
'Pag "naglalakbay" ang Diyos sa loob nila,
sila'y nakakalaya sa gapos ni Satanas.
Magpakailanma'y malaya na sila sa gapos ng matinding pighati.
'Pag dumating ang araw ng Diyos, lahat ng tao'y masaya.
Lungkot sa puso nila ngayo'y nawawala kailanman.
Ulap ng lungkot nawawala, malayang lumulutang sariwang hangin.
Tinatamasa ng Diyos ligaya ng pagsasama sa tao.
'Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos, Siya'y dinadakila sa lahat ng bagay.
Langit ay nagiging matingkad na asul.
Mga bulaklak namumukadkad, mga damo'y mas luntian.
Lahat ng bagay sa lupa'y nagiging napakaganda.
Kilos ng tao'y nanamnam ng Diyos, at kaya 'di na naghihinanakit ang Diyos.
At, kasama ng pagdating ng araw ng Diyos,
mga bagay na may buhay sa lupa nababawi ugat ng pag-iral,
muling nabubuhay lahat sa lupa, Diyos tinatanggap bilang saligan ng pag-iral,
dahil pinangyayari N'yang lahat magliwanag ng buhay,
at gayon din, pinangyayari N'yang tahimik itong mawala.
Lahat ng bagay ay naghihintay sa salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig.
At lahat ay nalulugod sa sinasabi at ginagawa Niya.
S'ya ang Kataas-taasan, ngunit S'ya'y nabubuhay din kasama ng tao.
Gawa nila'y nagpapamalas ng paglikha ng Diyos sa lupa't langit sa taas.
'Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos, Siya'y dinadakila sa lahat ng bagay.
Langit ay nagiging matingkad na asul.
Mga bulaklak namumukadkad, mga damo'y mas luntian.
Lahat ng bagay sa lupa'y nagiging napakaganda.
Sa tinig N'ya, tao'y paroo't parito. Puno ng kagalakan mga tao sa Kanyang kaharian;
buhay nila'y lumalago. Gumagawa ang Diyos sa mga hinirang.
'Di mababahiran gawain N'ya ng pagkaunawa ng sangkatauhan.
Dahil ginagawa ng Diyos sariling gawain N'ya.
'Pag ginagawa ng Diyos gawain N'ya, lahat pinaninibago at nagbabago.
'Pag tapos na ang gawain ng Diyos, tao'y naipanunumbalik, 'di na nababahala sa hiling ng Diyos. Lupa'y pinagpala ng galak!
'Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos, Siya'y dinadakila sa lahat ng bagay.
Langit ay nagiging matingkad na asul.
Mga bulaklak namumukadkad, mga damo'y mas luntian.
Lahat ng bagay sa lupa'y nagiging napakaganda.
'Pag lupa'y puno ng galak, gagamitin ng Diyos oras na 'to para pagpalain buong sangkatauhan.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
———————————————————————————————
Makinig sa mga Tagalog Christian Song upang makahanap ng paraan kung paano tayo mananalangin sa Diyos upang pakinggan ng Diyos. Lumapit tayo sa Diyos!